Jeremias 5

Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Jerusalem, pumunta kayo sa inyong mga lansangan! Tingnan ninyo ang inyong mga plasa! Kung may makikita kayong matuwid at tapat, patatawarin ko ang lungsod ninyo.

Jeremiah 5:1 (UKJV) Run all of you back and forth through the streets of Jerusalem, and see now, and know, and seek in the broad places thereof, if all of you can find a man, if there be any that executes judgment, that seeks the truth; and I will pardon it.

1Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Jerusalem, pumunta kayo sa inyong mga lansangan! Tingnan ninyo ang inyong mga plasa! Kung may makikita kayong matuwid at tapat, patatawarin ko ang lungsod ninyo.

2Kahit ginagamit ninyo ang pangalan ng Panginoon sa pagsumpa nʼyo, nagsisinungaling pa rin kayo.”

3Panginoon, naghahanap po kayo ng taong tapat. Sinaktan po ninyo ang inyong mga mamamayan ngunit balewala ito sa kanila. Pinarusahan nʼyo sila ngunit ayaw nilang magpaturo. Pinatigas nila ang kanilang mga puso at ayaw nilang magsisi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.