Jeremias 5

Panginoon, naghahanap po kayo ng taong tapat. Sinaktan po ninyo ang inyong mga mamamayan ngunit balewala ito sa kanila. Pinarusahan nʼyo sila ngunit ayaw nilang magpaturo. Pinatigas nila ang kanilang mga puso at ayaw nilang magsisi.

Jeremiah 5:3 (UKJV) O LORD, are not yours eyes upon the truth? you have stricken them, but they have not grieved; you have consumed them, but they have refused to receive correction: they have made their faces harder than a rock; they have refused to return.

1Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Jerusalem, pumunta kayo sa inyong mga lansangan! Tingnan ninyo ang inyong mga plasa! Kung may makikita kayong matuwid at tapat, patatawarin ko ang lungsod ninyo.

2Kahit ginagamit ninyo ang pangalan ng Panginoon sa pagsumpa nʼyo, nagsisinungaling pa rin kayo.”

3Panginoon, naghahanap po kayo ng taong tapat. Sinaktan po ninyo ang inyong mga mamamayan ngunit balewala ito sa kanila. Pinarusahan nʼyo sila ngunit ayaw nilang magpaturo. Pinatigas nila ang kanilang mga puso at ayaw nilang magsisi.

4Akala ko poʼy mga dukha sila at mga walang pinag-aralan, ngunit mga hangal pala sila. Sapagkat hindi nila alam ang pamamaraan na ipinapagawa sa kanila ng Panginoon na kanilang Diyos.

5Kaya pupuntahan ko po ang kanilang mga pinuno at kakausapin ko sila. Tiyak na mauunawaan nila ang pamamaraang ipinapagawa sa kanila ng Panginoon na kanilang Diyos. Ngunit tumanggi rin silang sumunod sa mga ipinapagawa ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.