8Para silang mga lalaking kabayo na alagang-alaga. Ang bawat isa sa kanila ay may matinding pagnanasa sa asawa ng iba.
9Hindi ba nararapat lang na parusahan ko sila dahil dito?” wika ng Panginoon. “Hindi ba nararapat lang na paghigantihan ko ang mga bansang ganito?
10“Kayong mga kaaway ng mga taga-Israel, sirain ninyo ang kanilang mga ubasan, pero huwag ninyong sirain nang lubusan. Tabasin ninyo ang mga sanga, sapagkat ang mga taong ito ay hindi na sa Panginoon.
11Ang mga mamamayan ng Israel at Juda ay hindi na tapat sa akin,” wika ng Panginoon.
12“Hindi sila nagsasalita ng totoo tungkol sa akin; sinabi nila, ‘Hindi tayo sasaktan ng Panginoon! Walang panganib na darating sa atin. Walang digmaan o gutom man na darating.’