Jeremias 5

Para silang mga lalaking kabayo na alagang-alaga. Ang bawat isa sa kanila ay may matinding pagnanasa sa asawa ng iba.

Jeremiah 5:8 (UKJV) They were as fed horses in the morning: every one neighed after his neighbour's wife.

6Kaya sasalakayin sila ng mga kaaway nila na parang leon na nanggaling sa kagubatan, o katulad ng isang asong lobo na galing sa ilang, o parang leopardong nagbabantay malapit sa bayan upang lapain ang sinumang lumabas. Mangyayari ito sa kanila dahil naghihimagsik sila sa Diyos at maraming beses nang tumalikod sa kanya.

7“Bakit ko kayo patatawarin? Pati ang mga anak ninyo ay itinakwil ako at sumumpa sa pangalan ng hindi tunay na diyos. Ibinigay ko ang mga pangangailangan nila, pero nagawa pa rin nila akong pagtaksilan at nagsisiksikan pa sila sa bahay ng mga babaeng bayaran.

8Para silang mga lalaking kabayo na alagang-alaga. Ang bawat isa sa kanila ay may matinding pagnanasa sa asawa ng iba.

9Hindi ba nararapat lang na parusahan ko sila dahil dito?” wika ng Panginoon. “Hindi ba nararapat lang na paghigantihan ko ang mga bansang ganito?

10“Kayong mga kaaway ng mga taga-Israel, sirain ninyo ang kanilang mga ubasan, pero huwag ninyong sirain nang lubusan. Tabasin ninyo ang mga sanga, sapagkat ang mga taong ito ay hindi na sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.