Jeremias 5

“Bakit ko kayo patatawarin? Pati ang mga anak ninyo ay itinakwil ako at sumumpa sa pangalan ng hindi tunay na diyos. Ibinigay ko ang mga pangangailangan nila, pero nagawa pa rin nila akong pagtaksilan at nagsisiksikan pa sila sa bahay ng mga babaeng bayaran.

Jeremiah 5:7 (UKJV) How shall I pardon you for this? your children have forsaken me, and sworn by them that are no gods: when I had fed them to the full, they then committed adultery, and assembled themselves by troops in the harlots' houses.

5Kaya pupuntahan ko po ang kanilang mga pinuno at kakausapin ko sila. Tiyak na mauunawaan nila ang pamamaraang ipinapagawa sa kanila ng Panginoon na kanilang Diyos. Ngunit tumanggi rin silang sumunod sa mga ipinapagawa ng Diyos.

6Kaya sasalakayin sila ng mga kaaway nila na parang leon na nanggaling sa kagubatan, o katulad ng isang asong lobo na galing sa ilang, o parang leopardong nagbabantay malapit sa bayan upang lapain ang sinumang lumabas. Mangyayari ito sa kanila dahil naghihimagsik sila sa Diyos at maraming beses nang tumalikod sa kanya.

7“Bakit ko kayo patatawarin? Pati ang mga anak ninyo ay itinakwil ako at sumumpa sa pangalan ng hindi tunay na diyos. Ibinigay ko ang mga pangangailangan nila, pero nagawa pa rin nila akong pagtaksilan at nagsisiksikan pa sila sa bahay ng mga babaeng bayaran.

8Para silang mga lalaking kabayo na alagang-alaga. Ang bawat isa sa kanila ay may matinding pagnanasa sa asawa ng iba.

9Hindi ba nararapat lang na parusahan ko sila dahil dito?” wika ng Panginoon. “Hindi ba nararapat lang na paghigantihan ko ang mga bansang ganito?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.