Jeremias 50

“Ipahayag sa mga bansa ang balita nang walang inililihim! At itaas ang watawat na tanda ng pagkawasak ng Babilonia! Madudurog at mapapahiya ang kanyang mga diyos-diyosan pati na ang diyos-diyosang si Bel at Merodac.

Jeremiah 50:2 (UKJV) Declare all of you among the nations, and publish, and set up a standard; publish, and conceal not: say, Babylon is taken, Bel is confounded, Merodach is broken in pieces; her idols are confounded, her images are broken in pieces.

1Ito ang sinabi ng Panginoon sa propetang si Jeremias tungkol sa Babilonia at sa mga mamamayan nito:

2“Ipahayag sa mga bansa ang balita nang walang inililihim! At itaas ang watawat na tanda ng pagkawasak ng Babilonia! Madudurog at mapapahiya ang kanyang mga diyos-diyosan pati na ang diyos-diyosang si Bel at Merodac.

3Sapagkat sasalakayin ang Babilonia ng isang bansa mula sa hilaga, at magiging tiwangwang ang lugar na ito. Wala nang maninirahan dito dahil tatakas ang kanyang mga mamamayan pati ang mga hayop.

4“Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing sa panahong iyon, ang mga mamamayan ng Israel at Juda ay iiyak na lalapit sa akin, ang Panginoon na kanilang Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.