Jeremias 50

Ito ang sinabi ng Panginoon sa propetang si Jeremias tungkol sa Babilonia at sa mga mamamayan nito:

Jeremiah 50:1 (UKJV) The word that the LORD spoke against Babylon and against the land of the Chaldeans by Jeremiah the prophet.

1Ito ang sinabi ng Panginoon sa propetang si Jeremias tungkol sa Babilonia at sa mga mamamayan nito:

2“Ipahayag sa mga bansa ang balita nang walang inililihim! At itaas ang watawat na tanda ng pagkawasak ng Babilonia! Madudurog at mapapahiya ang kanyang mga diyos-diyosan pati na ang diyos-diyosang si Bel at Merodac.

3Sapagkat sasalakayin ang Babilonia ng isang bansa mula sa hilaga, at magiging tiwangwang ang lugar na ito. Wala nang maninirahan dito dahil tatakas ang kanyang mga mamamayan pati ang mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.