10“Sinabi ng aking mga mamamayan na bihag doon, ‘Ipinaghiganti tayo ng Panginoon. Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem at sabihin natin doon ang ginawa ng Panginoon na ating Diyos.’ ”
11“Patalasin ninyo ang inyong mga pana at ihanda ang inyong mga pananggalang. Inudyukan ng Panginoon ang mga hari ng Media na wasakin ang Babilonia dahil ito ang layunin niya. Maghihiganti ang Panginoon sa Babilonia dahil sa paggiba nito sa kanyang Templo.
12Itaas ninyo ang watawat na sagisag ng pagsalakay sa Babilonia. Dagdagan ninyo ang mga guwardiya; ipuwesto ang mga bantay. Palibutan ninyo ang lungsod! Panahon na upang gawin ng Panginoon ang kanyang plano laban sa mga taga-Babilonia.”
13O Babilonia, sagana ka sa tubig at sagana ka rin sa kayamanan. Ngunit dumating na ang katapusan mo, ang araw ng iyong kapahamakan.
14Sumumpa ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo sa kanyang sarili, “Ipapasalakay ko kayo sa napakaraming kaaway na kasindami ng balang, at sisigaw sila ng tagumpay laban sa inyo.”