Jeremias 51

Nilikha niya ang mundo sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, at sa kanyang karunungan ay inilatag niya ang kalawakan.

Jeremiah 51:15 (UKJV) He has made the earth by his power, he has established the world by his wisdom, and has stretched out the heaven by his understanding.

13O Babilonia, sagana ka sa tubig at sagana ka rin sa kayamanan. Ngunit dumating na ang katapusan mo, ang araw ng iyong kapahamakan.

14Sumumpa ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo sa kanyang sarili, “Ipapasalakay ko kayo sa napakaraming kaaway na kasindami ng balang, at sisigaw sila ng tagumpay laban sa inyo.”

15Nilikha niya ang mundo sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, at sa kanyang karunungan ay inilatag niya ang kalawakan.

16Sa kanyang utos ay lumalabas ang mga ulap at mga kidlat sa kalawakan, at bumubuhos ang malakas na ulan. Pinapalabas niya ang hangin mula sa pinanggagalingan nito.

17Mga mangmang at walang pang-unawa ang bawat taong sumasamba sa mga diyos-diyosan. Mapapahiya lang ang mga platerong gumawa ng mga diyos-diyosan nila, dahil hindi naman totoong diyos ang mga ito. Wala silang buhay,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.