31Sunod-sunod na darating ang mga tagapagbalita para sabihin sa hari ng Babilonia na ang buong lungsod ay nasakop na.
32Naagaw ang mga tawiran sa mga ilog. Sinunog ang mga kampo at nasisindak ang mga sundalo.”
33Ito ang sinabi Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: “Ang Babilonia ay tulad ng trigo na malapit nang anihin at giikin.”
34Sinabi ng mga taga-Jerusalem, “Si Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay parang dragong lumamon sa amin. Binusog niya ang kanyang tiyan ng aming mga kayamanan. Wala siyang itinira sa aming lungsod na parang banga na walang laman. Itinaboy niya kami at hindi namin alam kung ano ang aming gagawin.
35Gawin din sana sa Babilonia ang ginawa niya sa amin at sa mga anak namin. Pagbayaran sana ng mga mamamayan ng Babilonia ang mga pagpatay nila,” sabi ng mga taga-Jerusalem.