Jeremias 51

Naagaw ang mga tawiran sa mga ilog. Sinunog ang mga kampo at nasisindak ang mga sundalo.”

Jeremiah 51:32 (UKJV) And that the passages are stopped, and the reeds they have burned with fire, and the men of war are affrighted.

30Titigil ang mga sundalo ng Babilonia sa pakikipaglaban at mananatili na lang sila sa kanilang tanggulan. Mauubos ang kanilang lakas at manghihina sila na parang mga babae. Masusunog ang mga bahay nila at masisira ang tarangkahan ng kanilang mga pintuan.

31Sunod-sunod na darating ang mga tagapagbalita para sabihin sa hari ng Babilonia na ang buong lungsod ay nasakop na.

32Naagaw ang mga tawiran sa mga ilog. Sinunog ang mga kampo at nasisindak ang mga sundalo.”

33Ito ang sinabi Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: “Ang Babilonia ay tulad ng trigo na malapit nang anihin at giikin.”

34Sinabi ng mga taga-Jerusalem, “Si Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay parang dragong lumamon sa amin. Binusog niya ang kanyang tiyan ng aming mga kayamanan. Wala siyang itinira sa aming lungsod na parang banga na walang laman. Itinaboy niya kami at hindi namin alam kung ano ang aming gagawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.