41“Papaanong bumagsak ang Babilonia? Ang bansang hinahangaan ng buong mundo! Nakakatakot tingnan ang nangyari sa kanya!
42Matatabunan ng malalakas na alon ang Babilonia.
43Magiging malungkot ang kanyang mga bayan na parang disyerto na walang taong nakatira o dumadaan man lang.
44Parurusahan ko si Bel na diyos-diyosan ng Babilonia. Ipapasuka ko sa kanya ang kanyang mga nilamon. Hindi na siya dadagsain ng mga bansa para sambahin. Bumagsak na ang mga pader ng Babilonia.
45“Mga hinirang ko, lumayo na kayo sa Babilonia! Iligtas ninyo ang inyong buhay bago ibuhos ng Panginoon ang kanyang galit.