51“Sinasabi ninyo, ‘Nahihiya kami. Kinukutya kami at inilalagay sa kahihiyan dahil ang Templo ng Panginoon ay dinungisan ng mga dayuhan.’
52“Ngunit darating ang araw na parurusahan ko ang mga diyos-diyosan ng Babilonia. At ang mga daing ng mga sugatang taga-Babilonia ay maririnig sa kanilang buong lupain,” sabi ng Panginoon.
53“Kahit na umabot pa sa langit ang mga pader ng Babilonia at kahit tibayan pa nila ito nang husto, magpapadala pa rin ako ng wawasak dito,” sabi ng Panginoon.
54“Maririnig ang mga iyakan sa buong Babilonia dahil sa pagkawasak nito.
55Wawasakin ng Panginoon ang Babilonia at matatahimik ang malakas na boses nito. Sasalakay sa kanya ang mga kaaway na parang umuugong na alon. Maririnig ang kanilang sigawan sa kanilang pagsalakay.