54“Maririnig ang mga iyakan sa buong Babilonia dahil sa pagkawasak nito.
55Wawasakin ng Panginoon ang Babilonia at matatahimik ang malakas na boses nito. Sasalakay sa kanya ang mga kaaway na parang umuugong na alon. Maririnig ang kanilang sigawan sa kanilang pagsalakay.
56Darating ang mga wawasak ng Babilonia at bibihagin ang kanyang mga kawal, at mababali ang kanilang mga pana. Sapagkat ako, ang Panginoon, ang Diyos na nagpaparusa sa masasama. At parurusahan ko ang Babilonia ayon sa nararapat sa kanya.
57Lalasingin ko ang kanyang mga tagapamahala, mga marurunong, mga pinuno, mga punong sundalo at ang kanyang buong hukbo. Mahihimbing sila at hindi na magigising habang panahon,” sabi ng Hari na ang pangalan ay Panginoong Diyos ng mga Hukbo.
58Sinabi pa ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo: “Gigibain ang makakapal na pader ng Babilonia at susunugin ang matataas niyang pintuan. Magiging walang kabuluhan ang lahat ng pinaghirapan ng kanyang mga mamamayan dahil ang lahat ng iyon ay masusunog lang.”