Jeremias 6

Wawasakin ko ang magandang lungsod ng Jerusalem.

Jeremiah 6:2 (UKJV) I have likened the daughter of Zion to a comely and delicate woman.

1“Mga lahi ni Benjamin, tumakas kayo at magtago! Umalis kayo sa Jerusalem! Patunugin nʼyo ang trumpeta sa Tekoa at hudyatan nʼyo ang Bet-hakerem, sapagkat darating na ang kapahamakan mula sa hilaga.

2Wawasakin ko ang magandang lungsod ng Jerusalem.

3Papalibutan ito ng mga pinuno at ng kanilang mga sundalo. Magtatayo sila ng kanilang mga tolda sa paligid nito at doon sila magkakampo.”

4“Humanda kayo! Pagsapit ng tanghali, sasalakayin natin sila. Ngunit pagdating ng hapon, sasabihin ng pinuno, ‘Kahabag-habag tayo, lumulubog na ang araw at medyo dumidilim na.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.