Jeremias 6

Kaya ito ang sinabi ng Panginoon: “Ako ay maglalagay ng katitisuran sa dinadaanan ng mga taong ito. At dahil dito, babagsak ang mga ama at mga batang lalaki, pati ang mga magkaibigan at magkapitbahay.”

Jeremiah 6:21 (UKJV) Therefore thus says the LORD, Behold, I will lay stumbling blocks before this people, and the fathers and the sons together shall fall upon them; the neighbour and his friend shall perish.

19Buong mundo, makinig kayo! Magpapadala ako ng kapahamakan sa mga taong ito upang parusahan sila sa kanilang masasamang balak. Sapagkat ayaw nilang pakinggan ang mga salita ko at itinakwil nila ang mga kautusan ko.

20Walang halaga sa akin ang inihahandog nilang insenso kahit na galing pa ito sa Sheba, o ang mga pabangong mula pa sa malayong lugar. Hindi katanggap-tanggap ang kanilang mga handog na sinusunog. Hindi ako natutuwa sa mga handog nila sa akin.”

21Kaya ito ang sinabi ng Panginoon: “Ako ay maglalagay ng katitisuran sa dinadaanan ng mga taong ito. At dahil dito, babagsak ang mga ama at mga batang lalaki, pati ang mga magkaibigan at magkapitbahay.”

22Ito pa ang sinasabi ng Panginoon, “Tingnan ninyo, may mga sundalong dumarating galing sa lupain sa hilaga, isang makapangyarihang bansa na galing sa malayong lupain na handang sumalakay.

23Ang dala nilang sandata ay mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang habag. Ang ingay nila ay parang malalakas na alon habang nakasakay sila sa kanilang mga kabayo. Darating sila para salakayin kayo, mga taga-Zion.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.