Jeremias 7

Habang ginagawa ninyo ang masasamang bagay na ito, sabi ng Panginoon, paulit-ulit ko kayong binibigyan ng babala, pero hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo, pero hindi kayo sumagot.

Jeremiah 7:13 (UKJV) And now, because all of you have done all these works, says the LORD, and I spoke unto you, rising up early and speaking, but all of you heard not; and I called you, but all of you answered not;

11Bakit, ano ang akala ninyo sa templong ito na pinili ko upang parangalan ako, taguan ng mga magnanakaw? Nakikita ko ang mga ginagawa sa templo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

12“ ‘Pumunta kayo sa Silo, ang unang lugar na pinili ko para sambahin ako, at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko sa lugar na iyon dahil sa kasamaang ginawa ng mga mamamayan kong taga-Israel.

13Habang ginagawa ninyo ang masasamang bagay na ito, sabi ng Panginoon, paulit-ulit ko kayong binibigyan ng babala, pero hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo, pero hindi kayo sumagot.

14Kaya ang ginawa ko sa Silo ay gagawin ko rin ngayon sa templong ito, kung saan pinararangalan ang pangalan ko, ang templong pinagtitiwalaan ninyo na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.

15Palalayasin ko kayo mula sa aking harapan katulad ng ginawa ko sa mga kamag-anak ninyo, ang mga mamamayan ng Israel, ang angkan ni Efraim.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.