Jeremias 7

Palalayasin ko kayo mula sa aking harapan katulad ng ginawa ko sa mga kamag-anak ninyo, ang mga mamamayan ng Israel, ang angkan ni Efraim.’

Jeremiah 7:15 (UKJV) And I will cast you out of my sight, as I have cast out all your brethren, even the whole seed of Ephraim.

13Habang ginagawa ninyo ang masasamang bagay na ito, sabi ng Panginoon, paulit-ulit ko kayong binibigyan ng babala, pero hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo, pero hindi kayo sumagot.

14Kaya ang ginawa ko sa Silo ay gagawin ko rin ngayon sa templong ito, kung saan pinararangalan ang pangalan ko, ang templong pinagtitiwalaan ninyo na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.

15Palalayasin ko kayo mula sa aking harapan katulad ng ginawa ko sa mga kamag-anak ninyo, ang mga mamamayan ng Israel, ang angkan ni Efraim.’

16“Kaya Jeremias, huwag mong ipagdasal ang mga taong ito. Huwag kang magmamakaawa o humiling sa akin para sa kanila, sapagkat hindi kita pakikinggan.

17Hindi mo ba nakikita ang ginagawa nila sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.