Jeremias 7

Kaya ang ginawa ko sa Silo ay gagawin ko rin ngayon sa templong ito, kung saan pinararangalan ang pangalan ko, ang templong pinagtitiwalaan ninyo na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.

Jeremiah 7:14 (UKJV) Therefore will I do unto this house, which is called by my name, wherein all of you trust, and unto the place which I gave to you and to your fathers, as I have done to Shiloh.

12“ ‘Pumunta kayo sa Silo, ang unang lugar na pinili ko para sambahin ako, at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko sa lugar na iyon dahil sa kasamaang ginawa ng mga mamamayan kong taga-Israel.

13Habang ginagawa ninyo ang masasamang bagay na ito, sabi ng Panginoon, paulit-ulit ko kayong binibigyan ng babala, pero hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo, pero hindi kayo sumagot.

14Kaya ang ginawa ko sa Silo ay gagawin ko rin ngayon sa templong ito, kung saan pinararangalan ang pangalan ko, ang templong pinagtitiwalaan ninyo na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.

15Palalayasin ko kayo mula sa aking harapan katulad ng ginawa ko sa mga kamag-anak ninyo, ang mga mamamayan ng Israel, ang angkan ni Efraim.’

16“Kaya Jeremias, huwag mong ipagdasal ang mga taong ito. Huwag kang magmamakaawa o humiling sa akin para sa kanila, sapagkat hindi kita pakikinggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.