14Kaya ang ginawa ko sa Silo ay gagawin ko rin ngayon sa templong ito, kung saan pinararangalan ang pangalan ko, ang templong pinagtitiwalaan ninyo na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.
15Palalayasin ko kayo mula sa aking harapan katulad ng ginawa ko sa mga kamag-anak ninyo, ang mga mamamayan ng Israel, ang angkan ni Efraim.’
16“Kaya Jeremias, huwag mong ipagdasal ang mga taong ito. Huwag kang magmamakaawa o humiling sa akin para sa kanila, sapagkat hindi kita pakikinggan.
17Hindi mo ba nakikita ang ginagawa nila sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
18Ang mga kabataan ay nangangahoy, ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, ang mga babae ay nagmamasa ng harina upang gawing tinapay para sa Reyna ng Langit. Naghahandog din sila ng mga inumin sa ibang mga diyos upang galitin ako.