Jeremias 7

Ang mga kabataan ay nangangahoy, ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, ang mga babae ay nagmamasa ng harina upang gawing tinapay para sa Reyna ng Langit. Naghahandog din sila ng mga inumin sa ibang mga diyos upang galitin ako.

Jeremiah 7:18 (UKJV) The children gather wood, and the fathers kindle the fire, and the women knead their dough, to make cakes to the queen of heaven, and to pour out drink offerings unto other gods, that they may provoke me to anger.

16“Kaya Jeremias, huwag mong ipagdasal ang mga taong ito. Huwag kang magmamakaawa o humiling sa akin para sa kanila, sapagkat hindi kita pakikinggan.

17Hindi mo ba nakikita ang ginagawa nila sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?

18Ang mga kabataan ay nangangahoy, ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, ang mga babae ay nagmamasa ng harina upang gawing tinapay para sa Reyna ng Langit. Naghahandog din sila ng mga inumin sa ibang mga diyos upang galitin ako.

19Ngunit ako nga ba ang sinasaktan nila?” sabi ng Panginoon. Hindi! Ang sarili nila ang sinasaktan at inilalagay nila sa kahihiyan.

20“ ‘Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Ipapadama ko sa lugar na ito ang matinding galit ko – sa mga tao, mga hayop, mga puno, at mga halaman. Ang galit koʼy parang apoy na hindi mapapatay ng kahit sino.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.