Jeremias 7

“ ‘Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Ipapadama ko sa lugar na ito ang matinding galit ko – sa mga tao, mga hayop, mga puno, at mga halaman. Ang galit koʼy parang apoy na hindi mapapatay ng kahit sino.

Jeremiah 7:20 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Behold, mine anger and my fury shall be poured out upon this place, upon man, and upon beast, and upon the trees of the field, and upon the fruit of the ground; and it shall burn, and shall not be quenched.

18Ang mga kabataan ay nangangahoy, ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, ang mga babae ay nagmamasa ng harina upang gawing tinapay para sa Reyna ng Langit. Naghahandog din sila ng mga inumin sa ibang mga diyos upang galitin ako.

19Ngunit ako nga ba ang sinasaktan nila?” sabi ng Panginoon. Hindi! Ang sarili nila ang sinasaktan at inilalagay nila sa kahihiyan.

20“ ‘Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Ipapadama ko sa lugar na ito ang matinding galit ko – sa mga tao, mga hayop, mga puno, at mga halaman. Ang galit koʼy parang apoy na hindi mapapatay ng kahit sino.

21“ ‘Ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: Sige, kunin na lang ninyo ang inyong mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, at kainin na lang ninyo ang karne.

22Sapagkat nang ilabas ko sa Ehipto ang mga ninuno nʼyo, hindi ko lang sila inutusan na mag-alay ng mga handog na sinusunog at iba pang mga handog,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.