Jeremias 8

Akoʼy nagdaramdam dahil sa hirap na nararanasan ng aking mga kababayan. Nagluluksa ako at natitigilan.

Jeremiah 8:21 (UKJV) For the hurt of the daughter of my people am I hurt; I am black; astonishment has taken hold on me.

19Pakinggan nʼyo ang iyakan ng aking mga kababayan na naririnig sa buong lupain. Sinabi nila, “Wala na ba ang Panginoon sa Jerusalem? Wala na ba roon ang Diyos na Hari ng Jerusalem?” Sumagot ang Panginoon. “Bakit ninyo ako ginalit sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosang walang kabuluhan?”

20Sumagot ang mga tao, “Tapos na ang anihan, tapos na rin ang tag-araw, pero hindi pa kami naililigtas!”

21Akoʼy nagdaramdam dahil sa hirap na nararanasan ng aking mga kababayan. Nagluluksa ako at natitigilan.

22Wala na bang gamot sa Gilead? Wala na bang manggagamot doon? Bakit hindi gumagaling ang sugat ng aking mga kababayan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.