17“Makinig kayo! Magpapadala ako ng mga kaaway na parang mga makamandag na ahas na hindi napapaamo ng kahit sino, at tutuklawin nila kayo at kayoʼy mamamatay,” sabi ng Panginoon.
18Pagkatapos, sinabi ni Jeremias: Hindi mapapawi ang aking kalungkutan. Ang aking pusoʼy nagdaramdam.
19Pakinggan nʼyo ang iyakan ng aking mga kababayan na naririnig sa buong lupain. Sinabi nila, “Wala na ba ang Panginoon sa Jerusalem? Wala na ba roon ang Diyos na Hari ng Jerusalem?” Sumagot ang Panginoon. “Bakit ninyo ako ginalit sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosang walang kabuluhan?”
20Sumagot ang mga tao, “Tapos na ang anihan, tapos na rin ang tag-araw, pero hindi pa kami naililigtas!”
21Akoʼy nagdaramdam dahil sa hirap na nararanasan ng aking mga kababayan. Nagluluksa ako at natitigilan.