16Ikakalat ko sila sa mga bansang hindi nila kilala maging ng mga ninuno nila. Magpapadala ako ng hukbong sasalakay sa kanila upang lubusan silang malipol.”
17Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo: “Isipin nʼyo kung ano ang mga nangyayari! Tawagin nʼyo ang mga babaeng tagaiyak, lalo na ang mga sanay sa pag-iyak.
18Pagmadaliin silang pumunta upang iyakan ang mga mamamayan ko hanggang sa dumaloy ang kanilang luha.
19Pakinggan ang mga pag-iyak sa Jerusalem: ‘Nawasak tayo! Nakakahiya ang nangyaring ito sa atin! Kailangang iwan na natin ang ating lupain dahil nawasak na ang ating mga tahanan!’ ”
20Ngayon, kayong mga babae, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon. Pakinggan ninyong mabuti ang kanyang mga salita. Turuan ninyo ang inyong mga anak na babae at ang inyong kapwa na umiyak at managhoy.