Jeremias 9

Ikakalat ko sila sa mga bansang hindi nila kilala maging ng mga ninuno nila. Magpapadala ako ng hukbong sasalakay sa kanila upang lubusan silang malipol.”

Jeremiah 9:16 (UKJV) I will scatter them also among the heathen, whom neither they nor their fathers have known: and I will send a sword after them, till I have consumed them.

14Sa halip, sinunod nila ang kapasyahan ng matigas nilang mga puso. Sumamba sila kay Baal, gaya ng itinuro sa kanila ng mga ninuno nila.”

15Kaya sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Pakakainin ko ang mga taong ito ng mapait na pagkain at paiinumin ng tubig na may lason.

16Ikakalat ko sila sa mga bansang hindi nila kilala maging ng mga ninuno nila. Magpapadala ako ng hukbong sasalakay sa kanila upang lubusan silang malipol.”

17Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo: “Isipin nʼyo kung ano ang mga nangyayari! Tawagin nʼyo ang mga babaeng tagaiyak, lalo na ang mga sanay sa pag-iyak.

18Pagmadaliin silang pumunta upang iyakan ang mga mamamayan ko hanggang sa dumaloy ang kanilang luha.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.