Jeremias 9

Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo: “Isipin nʼyo kung ano ang mga nangyayari! Tawagin nʼyo ang mga babaeng tagaiyak, lalo na ang mga sanay sa pag-iyak.

Jeremiah 9:17 (UKJV) Thus says the LORD of hosts, Consider all of you, and call for the mourning women, that they may come; and send for cunning women, that they may come:

15Kaya sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Pakakainin ko ang mga taong ito ng mapait na pagkain at paiinumin ng tubig na may lason.

16Ikakalat ko sila sa mga bansang hindi nila kilala maging ng mga ninuno nila. Magpapadala ako ng hukbong sasalakay sa kanila upang lubusan silang malipol.”

17Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo: “Isipin nʼyo kung ano ang mga nangyayari! Tawagin nʼyo ang mga babaeng tagaiyak, lalo na ang mga sanay sa pag-iyak.

18Pagmadaliin silang pumunta upang iyakan ang mga mamamayan ko hanggang sa dumaloy ang kanilang luha.

19Pakinggan ang mga pag-iyak sa Jerusalem: ‘Nawasak tayo! Nakakahiya ang nangyaring ito sa atin! Kailangang iwan na natin ang ating lupain dahil nawasak na ang ating mga tahanan!’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.