Jeremias 9

Kung mayroon lang sana akong matitirhan sa ilang upang makalayo ako sa aking mga kababayan, sapagkat silang lahat ay nagtaksil na katulad ng mga babaeng nangangalunya.”

Jeremiah 9:2 (UKJV) Oh that I had in the wilderness a lodging place of travelling men; that I might leave my people, and go from them! for they be all adulterers, an assembly of treacherous men.

1“Kung balon sana ng tubig ang aking ulo, at ang aking mga mata ay bukal ng luha, iiyak ako araw at gabi para sa mga kababayan kong pinaslang.

2Kung mayroon lang sana akong matitirhan sa ilang upang makalayo ako sa aking mga kababayan, sapagkat silang lahat ay nagtaksil na katulad ng mga babaeng nangangalunya.”

3“Lagi silang handang magsinungaling na parang pana na handa nang itudla. Kasinungalingan ang namamayani sa lupaing ito at hindi ang katotohanan. Malala na ang paggawa nila ng kasalanan at hindi nila ako kinikilala,” wika ng Panginoon.

4“Mag-ingat kayo sa kapwa ninyo at huwag kayong magtiwala sa mga kamag-anak nʼyo, sapagkat ang bawat isa ay mandaraya at naninira ng kapwa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.