Joel 2

Hindi sila nagtutulakan, at kahit makasalubong nila ang mga sandata ng kaaway, hindi sila naghihiwa-hiwalay.

Joel 2:8 (UKJV) Neither shall one thrust another; they shall walk every one in his path: and when they fall upon the sword, they shall not be wounded.

6Ang mga taong makakakita sa kanila ay mamumutla sa takot.

7Sumasalakay sila at umaakyat sa mga pader na parang mga sundalo. Diretso ang kanilang paglakad at hindi lumilihis sa kanilang dinadaanan.

8Hindi sila nagtutulakan, at kahit makasalubong nila ang mga sandata ng kaaway, hindi sila naghihiwa-hiwalay.

9Sinasalakay nila ang lungsod at inaakyat ang mga pader nito. Inaakyat nila ang mga bahay at pumapasok sa mga bintana na parang magnanakaw.

10Nayayanig ang lupa at ang langit sa kanilang pagdating. At nagdidilim ang araw at ang buwan, at nawawalan ng liwanag ang mga bituin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.