Joel 3

Para silang mga aanihin na kailangan nang gapasin dahil hinog na, o parang ubas na kailangan nang pisain dahil puno na ng ubas ang pisaan. Ubod sila ng sama; ang kanilang kasalanan ay parang alak na umaapaw sa sisidlan nito.”

Joel 3:13 (UKJV) Put all of you in the sickle, for the harvest is ripe: come, get you down; for the press is full, the wine- vats overflow; for their wickedness is great.

11Pumarito kayo, lahat kayong mga bansang nasa paligid, at magtipon kayo doon sa Lambak ni Jehoshafat. “Panginoon, pasulungin ninyo ang inyong mga mandirigma!

12“Udyukin ang mga bansa na pumunta sa Lambak ni Jehoshafat. Doon, ako, ang Panginoon ay uupo upang silaʼy hatulan.

13Para silang mga aanihin na kailangan nang gapasin dahil hinog na, o parang ubas na kailangan nang pisain dahil puno na ng ubas ang pisaan. Ubod sila ng sama; ang kanilang kasalanan ay parang alak na umaapaw sa sisidlan nito.”

14Napakaraming tao ang naroon sa Lambak ng Paghatol, dahil malapit nang dumating ang araw ng paghatol ng Panginoon.

15Magdidilim ang araw at ang buwan, at hindi na magliliwanag ang mga bituin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.