Joel 3

Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda, at ipagbibili naman nila ang mga ito sa mga taga-Sabea na nakatira sa malayong lugar. Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Joel 3:8 (UKJV) And I will sell your sons and your daughters into the hand of the children of Judah, and they shall sell them to the Sabeans, to a people far off: for the LORD has spoken it.

6Ipinagbili ninyo sa mga Griyego ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem bilang mga alipin, upang mailayo ninyo sila sa sarili nilang bayan.

7“Ngunit tutulungan ko silang makaalis sa mga bayang pinagbilhan ninyo sa kanila, at gagawin ko sa inyo ang inyong ginawa sa kanila.

8Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda, at ipagbibili naman nila ang mga ito sa mga taga-Sabea na nakatira sa malayong lugar. Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

9“Ipahayag mo ito sa mga bansa: Humanda kayo sa pakikipagdigma! Tawagin ninyo ang mga sundalo upang sumalakay.

10Gawin ninyong mga espada ang sudsod ng inyong mga araro at gawin ninyong mga sibat ang inyong mga panggapas. Sasabihin ng mahina, ‘Ako ay malakas.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.