9At sina Bacbuquias, Uno, at ang mga kasama nila, ang katiwala sa pagsagot sa awit na iyon.
10Si Jeshua ay ama ni Joiakim. Si Joiakim ay ama ni Eliasib. Si Eliasib ay ama ni Joiada.
11Si Joiada ay ama ni Jonatan. At si Jonatan ay ama ni Jadua.
12Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari noong si Joiakim ang punong pari: Si Meraias ang pinuno ng pamilya ni Seraias. Si Hananias ang pinuno ng pamilya ni Jeremias.
13Si Mesulam ang pinuno ng pamilya ni Ezra. Si Jehohanan ang pinuno ng pamilya ni Amarias.