5Huwag na kayong pumunta sa Betel, sa Gilgal, o sa Beer-seba, upang sumamba roon. Sapagkat siguradong bibihagin ang mga mamamayan ng Gilgal at mawawala ang Betel.”
6Dumulog kayo sa Panginoon, kayong mga lahi ni Jose, at mabubuhay kayo. Dahil kung hindi, lulusubin kayo na parang apoy. Kaya malilipol ang Betel at walang makakapigil nito.
7Nakakaawa kayo! Ang katarungan ay ginagawa ninyong marumi at pinawawalang-halaga ninyo ang katuwiran!
8Ang Diyos ang lumikha ng grupo ng mga bituing tinatawag na Pleyades at Orion. Siya ang nagpapalipas ng liwanag sa dilim, at ng araw sa gabi. Tinitipon niya ang tubig mula sa karagatan upang pumunta sa mga ulap at muling ibuhos sa lupa sa pamamagitan ng ulan. Panginoon ang kanyang pangalan.
9Agad niyang winawasak ang matitibay na napapaderang bayan, at dinudurog ang napapaderang lungsod.