6Nilipol natin sila nang lubusan katulad ng ginawa natin kay Haring Sihon ng Hesbon. Pinatay natin ang lahat ng tao sa bawat lungsod na ating naagaw – mga lalaki, babae at bata.
7Ngunit dinala natin ang lahat ng hayop at mga ari-ariang nasamsam natin sa kanilang mga lungsod.
8Kaya naagaw natin mula sa dalawang hari ng mga Amoreo ang lupain sa silangan ng Ilog Jordan mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon.
9(Ang Bundok ng Hermon ay tinatawag ng mga Sidoneo na Sirion at ng mga Amoreo na Senir.)
10Inagaw natin ang lahat ng bayan na nasa talampas, ang buong Gilead at ang buong Bashan hanggang sa Saleca at Edrei, na mga bayan na sakop ng kaharian ni Og ng Bashan.