1“Minahal ko ang Israel noong kabataan niya. Itinuring ko siyang anak at tinawag ko siya mula sa Ehipto.
2Ngunit ngayon, kahit na patuloy kong tinatawag ang mga mamamayan ng Israel, lalo pa silang lumayo sa akin. Naghahandog sila at nagsusunog ng mga insenso sa diyos-diyosang si Baal.
3Ako ang nag-alaga sa kanila. Inakay ko sila at tinuruang lumakad, ngunit hindi nila kinilala na ako ang kumalinga sa kanila.
4Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamahal, tulad ng isang taong nag-aangat ng pamatok sa baka upang mapakain ito.