4Sinabi ng Panginoon, “Pagagalingin ko ang aking mga mamamayan mula sa kanilang pagkamasuwayin at taos-puso ko silang mamahalin. Sapagkat nawala na ang galit ko sa kanila.
5Pagpapalain ko ang mga taga-Israel; akoʼy magiging parang hamog sa kanila na nagbibigay ng tubig sa mga halaman. Sila ay lalago tulad ng liryong namumulaklak. Sila ay magiging matatag tulad ng puno ng sedro sa Lebanon na malalim ang ugat.
6Sila ay dadami na parang mga sangang nagkakadahon nang mayabong. Silaʼy magiging tanyag tulad ng magandang puno ng olibo at ng mabangong puno ng sedro ng Lebanon.
7Muli silang maninirahan na kinakalinga ko. Sila ay uunlad na parang trigong yumayabong o ubas na namumulaklak. At magiging tanyag sila na gaya ng alak ng Lebanon.
8“Mga taga-Israel, lumayo na kayo sa mga diyos-diyosan. Ako ang tutugon sa inyong mga dalangin at ako ang kakalinga sa inyo. Ipagtatanggol ko kayo; akoʼy magiging tulad ng mayabong na puno ng sipres, na magbibigay ng lilim. Ako ang nagpapaunlad sa inyo.”