Hoseas 14

Nawaʼy malaman at maintindihan ng may pang-unawa ang mga nakasulat dito. Tama ang mga pamamaraan ng Panginoon at sinusunod ito ng mga matuwid, ngunit nagiging katitisuran ito sa mga suwail.

Hosea 14:9 (UKJV) Who is wise, and he shall understand these things? prudent, and he shall know them? for the ways of the LORD are right, and the just shall walk in them: but the transgressors shall fall therein.

7Muli silang maninirahan na kinakalinga ko. Sila ay uunlad na parang trigong yumayabong o ubas na namumulaklak. At magiging tanyag sila na gaya ng alak ng Lebanon.

8“Mga taga-Israel, lumayo na kayo sa mga diyos-diyosan. Ako ang tutugon sa inyong mga dalangin at ako ang kakalinga sa inyo. Ipagtatanggol ko kayo; akoʼy magiging tulad ng mayabong na puno ng sipres, na magbibigay ng lilim. Ako ang nagpapaunlad sa inyo.”

9Nawaʼy malaman at maintindihan ng may pang-unawa ang mga nakasulat dito. Tama ang mga pamamaraan ng Panginoon at sinusunod ito ng mga matuwid, ngunit nagiging katitisuran ito sa mga suwail.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.