1Sinabi sa akin ng Panginoon,
2“Puntahan mo ang mga taga-Jerusalem at sabihin mo ito sa kanila: “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Natatandaan ko ang katapatan at pagmamahal ninyo sa akin noon na katulad ng babaeng bagong kasal. Sumunod kayo sa akin kahit sa ilang na lupaing hindi tinamnan.
3Kayong mga Israelita ay ibinukod para sa akin. Kayo ang pinakaunang bunga na ibinigay sa akin. Pinarusahan ko ang mga nanakit sa inyo, at napahamak sila,’ wika ng Panginoon.”
4Pakinggan ninyo ang mensahe ng Panginoon, kayong mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob.
5Ito ang sinabi ng Panginoon: “Anong kasalanan ang nakita ng mga ninuno ninyo sa akin na nagtulak sa kanila para lumayo? Sumusunod sila sa mga walang kuwentang diyos-diyosan, kaya sila rin ay nawalan ng kabuluhan.