Jeremias 23

“Nakakaawa kayong mga pinuno ng mga mamamayan ko na sana ay mag-aalaga sa aking mga mamamayan tulad ng pastol ngunit pinabayaan lang ninyong mamatay at magkahiwa-hiwalay ang aking kawan!” sabi ng Panginoon.

Jeremiah 23:1 (UKJV) Woe be unto the pastors that destroy and scatter the sheep of my pasture! says the LORD.

1“Nakakaawa kayong mga pinuno ng mga mamamayan ko na sana ay mag-aalaga sa aking mga mamamayan tulad ng pastol ngunit pinabayaan lang ninyong mamatay at magkahiwa-hiwalay ang aking kawan!” sabi ng Panginoon.

2Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel sa mga pastol na namumuno sa kanyang mamamayan: “Dahil sa ikinalat ninyo ang mga mamamayan ko na aking kawan at hindi ninyo inalagaan, parurusahan ko kayo. Oo, parurusahan ko kayo dahil sa kasamaang ginawa ninyo,” sabi ng Panginoon.

3“Ako mismo ang magtitipon sa mga natitira kong mamamayan, ang aking kawan, mula sa ibaʼt ibang lugar kung saan ko sila ikinalat, at dadalhin ko sila pabalik sa lupain nila at muli silang dadami roon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.