16Kapag nainom nila ito, magpapasuray-suray sila na parang nauulol, dahil sa digmaan na ipapadala ko sa kanila.”
17Kaya kinuha ko ang tasa sa kamay ng Panginoon at ipinainom ko sa lahat ng bansa kung saan niya ako isinugo.
18Pinainom ko ang Jerusalem at ang mga bayan ng Juda pati ang mga hari at pinuno nila upang mawasak sila. Masisindak ang mga tao sa mangyayari sa kanila. Kukutyain at susumpain sila gaya ng ginagawa sa kanila ngayon.
19Pinainom ko rin ang Faraon na hari ng Ehipto, ang mga tagapamahala at mga pinuno niya, at ang lahat ng mamamayan niya,
20pati ang lahat ng dayuhang naroon. Ibinigay ko sa lahat ng hari sa lupain ng Uz, at mga hari sa lupain ng mga Filisteo (sa Ashkelon, Gaza, Ekron, at Asdod).