18Pinainom ko ang Jerusalem at ang mga bayan ng Juda pati ang mga hari at pinuno nila upang mawasak sila. Masisindak ang mga tao sa mangyayari sa kanila. Kukutyain at susumpain sila gaya ng ginagawa sa kanila ngayon.
19Pinainom ko rin ang Faraon na hari ng Ehipto, ang mga tagapamahala at mga pinuno niya, at ang lahat ng mamamayan niya,
20pati ang lahat ng dayuhang naroon. Ibinigay ko sa lahat ng hari sa lupain ng Uz, at mga hari sa lupain ng mga Filisteo (sa Ashkelon, Gaza, Ekron, at Asdod).
21Pagkatapos, ibinigay ko ang kopa para sa mga bansa ng Edom, Moab, Amon,
22ang lahat ng mga hari sa Tiro, Sidon, mga pulo sa ibayong dagat,