Jeremias 25

Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Mag-ingat kayo! Ang kapahamakan ay darating sa ibaʼt ibang bansa na parang malakas na bagyo mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo.”

Jeremiah 25:32 (UKJV) Thus says the LORD of hosts, Behold, evil shall go forth from nation to nation, and a great whirlwind shall be raised up from the coasts of the earth.

30“Jeremias, ipahayag mo sa kanila ang lahat ng sinabi ko, at sabihin mo: ‘Sisigaw ang Panginoon mula sa langit; dadagundong ang tinig niya mula sa banal niyang tahanan. Sisigaw siya nang malakas sa mga hinirang niya. Sisigaw din siya sa lahat ng naninirahan sa daigdig na parang taong sumisigaw habang nagpipisa ng ubas.

31Maririnig ang tinig niya sa buong daigdig, dahil ihahabla niya ang mga bansa. Hahatulan niya ang lahat, at ipapapatay niya sa digmaan ang masasamâ,’ ” wika ng Panginoon.

32Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Mag-ingat kayo! Ang kapahamakan ay darating sa ibaʼt ibang bansa na parang malakas na bagyo mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo.”

33Sa panahong iyon, ang mga nilipol ng Panginoon ay makikita sa lahat ng dako, mula sa magkabilang dulo ng mundo. Walang magluluksa, magtitipon o maglilibing sa kanilang mga bangkay. Silaʼy nakakalat sa lupa na tulad ng dumi.

34Kayong mga pinuno, tumangis kayo nang malakas, at gumulong kayo sa lupa dahil sa kalungkutan. Sapagkat dumating na ang araw na papatayin kayo katulad ng pagkatay ng tupa. Madudurog kayo katulad ng nabasag na mamahaling palayok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.