Jeremias 25

Sa panahong iyon, ang mga nilipol ng Panginoon ay makikita sa lahat ng dako, mula sa magkabilang dulo ng mundo. Walang magluluksa, magtitipon o maglilibing sa kanilang mga bangkay. Silaʼy nakakalat sa lupa na tulad ng dumi.

Jeremiah 25:33 (UKJV) And the slain of the LORD shall be at that day from one end of the earth even unto the other end of the earth: they shall not be lamented, neither gathered, nor buried; they shall be dung upon the ground.

31Maririnig ang tinig niya sa buong daigdig, dahil ihahabla niya ang mga bansa. Hahatulan niya ang lahat, at ipapapatay niya sa digmaan ang masasamâ,’ ” wika ng Panginoon.

32Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Mag-ingat kayo! Ang kapahamakan ay darating sa ibaʼt ibang bansa na parang malakas na bagyo mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo.”

33Sa panahong iyon, ang mga nilipol ng Panginoon ay makikita sa lahat ng dako, mula sa magkabilang dulo ng mundo. Walang magluluksa, magtitipon o maglilibing sa kanilang mga bangkay. Silaʼy nakakalat sa lupa na tulad ng dumi.

34Kayong mga pinuno, tumangis kayo nang malakas, at gumulong kayo sa lupa dahil sa kalungkutan. Sapagkat dumating na ang araw na papatayin kayo katulad ng pagkatay ng tupa. Madudurog kayo katulad ng nabasag na mamahaling palayok.

35Wala nang lugar na mapagtataguan at ang mga pinuno ng kawan ay hindi makakatakas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.