Jeremias 25

Wala nang lugar na mapagtataguan at ang mga pinuno ng kawan ay hindi makakatakas.

Jeremiah 25:35 (UKJV) And the shepherds shall have no way to flee, nor the principal of the flock to escape.

33Sa panahong iyon, ang mga nilipol ng Panginoon ay makikita sa lahat ng dako, mula sa magkabilang dulo ng mundo. Walang magluluksa, magtitipon o maglilibing sa kanilang mga bangkay. Silaʼy nakakalat sa lupa na tulad ng dumi.

34Kayong mga pinuno, tumangis kayo nang malakas, at gumulong kayo sa lupa dahil sa kalungkutan. Sapagkat dumating na ang araw na papatayin kayo katulad ng pagkatay ng tupa. Madudurog kayo katulad ng nabasag na mamahaling palayok.

35Wala nang lugar na mapagtataguan at ang mga pinuno ng kawan ay hindi makakatakas.

36Maririnig ang iyakan ng mga pastol, at ang pagdaing ng mga pinuno ng kawan, sapagkat nilipol ng Panginoon ang mga mamamayan.

37At dahil sa matinding galit ng Panginoon, magiging disyerto ang saganang pastulan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.