Jeremias 25

Kayong mga pinuno, tumangis kayo nang malakas, at gumulong kayo sa lupa dahil sa kalungkutan. Sapagkat dumating na ang araw na papatayin kayo katulad ng pagkatay ng tupa. Madudurog kayo katulad ng nabasag na mamahaling palayok.

Jeremiah 25:34 (UKJV) Wail, all of you shepherds, and cry; and wallow yourselves in the ashes, all of you principal of the flock: for the days of your slaughter and of your dispersions are accomplished; and all of you shall fall like a pleasant vessel.

32Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Mag-ingat kayo! Ang kapahamakan ay darating sa ibaʼt ibang bansa na parang malakas na bagyo mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo.”

33Sa panahong iyon, ang mga nilipol ng Panginoon ay makikita sa lahat ng dako, mula sa magkabilang dulo ng mundo. Walang magluluksa, magtitipon o maglilibing sa kanilang mga bangkay. Silaʼy nakakalat sa lupa na tulad ng dumi.

34Kayong mga pinuno, tumangis kayo nang malakas, at gumulong kayo sa lupa dahil sa kalungkutan. Sapagkat dumating na ang araw na papatayin kayo katulad ng pagkatay ng tupa. Madudurog kayo katulad ng nabasag na mamahaling palayok.

35Wala nang lugar na mapagtataguan at ang mga pinuno ng kawan ay hindi makakatakas.

36Maririnig ang iyakan ng mga pastol, at ang pagdaing ng mga pinuno ng kawan, sapagkat nilipol ng Panginoon ang mga mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.