Jeremias 25

Maririnig ang iyakan ng mga pastol, at ang pagdaing ng mga pinuno ng kawan, sapagkat nilipol ng Panginoon ang mga mamamayan.

Jeremiah 25:36 (UKJV) A voice of the cry of the shepherds, and an howling of the principal of the flock, shall be heard: for the LORD has spoiled their pasture.

34Kayong mga pinuno, tumangis kayo nang malakas, at gumulong kayo sa lupa dahil sa kalungkutan. Sapagkat dumating na ang araw na papatayin kayo katulad ng pagkatay ng tupa. Madudurog kayo katulad ng nabasag na mamahaling palayok.

35Wala nang lugar na mapagtataguan at ang mga pinuno ng kawan ay hindi makakatakas.

36Maririnig ang iyakan ng mga pastol, at ang pagdaing ng mga pinuno ng kawan, sapagkat nilipol ng Panginoon ang mga mamamayan.

37At dahil sa matinding galit ng Panginoon, magiging disyerto ang saganang pastulan.

38Ang Panginoon ay parang leon na lumabas sa kanyang yungib upang maghanap ng malalapa. Magiging tiwangwang ang inyong lupain dahil sa pagsalakay ng kaaway, at dahil sa matinding galit ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.