Jeremias 26

Kinuha nila si Urias doon sa Ehipto at dinala kay Haring Jehoiakim, at ipinapatay nila ito sa pamamagitan ng espada, at ipinatapon ang bangkay niya sa libingan para sa mga pangkaraniwang tao.

Jeremiah 26:23 (UKJV) And they fetched forth Urijah out of Egypt, and brought him unto Jehoiakim the king; who slew him with the sword, and cast his dead body into the graves of the common people.

21Nang marinig ni Haring Jehoiakim at ng lahat ng pinuno at tagapamahala niya ang sinabi ni Urias, pinagsikapan nilang patayin ito. Ngunit nalaman ito ni Urias, kaya tumakas siya papuntang Ehipto dahil sa takot.

22Ngunit inutusan ni Haring Jehoiakim si Elnatan na anak ni Acbor at ang iba pang mga tao na pumunta sa Ehipto.

23Kinuha nila si Urias doon sa Ehipto at dinala kay Haring Jehoiakim, at ipinapatay nila ito sa pamamagitan ng espada, at ipinatapon ang bangkay niya sa libingan para sa mga pangkaraniwang tao.

24Ngunit si Jeremias ay tinulungan ni Ahikam na anak ni Safan, kaya hindi siya napatay ng mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.