Jeremias 26

Nang marinig ni Haring Jehoiakim at ng lahat ng pinuno at tagapamahala niya ang sinabi ni Urias, pinagsikapan nilang patayin ito. Ngunit nalaman ito ni Urias, kaya tumakas siya papuntang Ehipto dahil sa takot.

Jeremiah 26:21 (UKJV) And when Jehoiakim the king, with all his mighty men, and all the princes, heard his words, the king sought to put him to death: but when Urijah heard it, he was afraid, and fled, and went into Egypt;

19Pinatay ba siya ng hari ng Juda na si Ezequias o ng sinumang nasa Juda? Hindi! Sa halip, natakot si Ezequias sa Panginoon at nakiusap siya sa kanya. Kaya hindi itinuloy ng Panginoon ang sinabi niyang kapahamakan laban sa kanila. Kaya kung papatayin nʼyo si Jeremias, kayo na rin ang magdadala ng kaparusahan sa sarili ninyo.”

20Nang panahon ding iyon, may isa pang nagsalita tungkol sa ipinasasabi ng Panginoon. Siyaʼy si Urias na anak ni Semaias na taga-Kiriat-jearim. Nagsalita rin siya laban sa lungsod at sa bansang ito katulad ng sinabi ni Jeremias.

21Nang marinig ni Haring Jehoiakim at ng lahat ng pinuno at tagapamahala niya ang sinabi ni Urias, pinagsikapan nilang patayin ito. Ngunit nalaman ito ni Urias, kaya tumakas siya papuntang Ehipto dahil sa takot.

22Ngunit inutusan ni Haring Jehoiakim si Elnatan na anak ni Acbor at ang iba pang mga tao na pumunta sa Ehipto.

23Kinuha nila si Urias doon sa Ehipto at dinala kay Haring Jehoiakim, at ipinapatay nila ito sa pamamagitan ng espada, at ipinatapon ang bangkay niya sa libingan para sa mga pangkaraniwang tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.