Jeremias 26

Pinatay ba siya ng hari ng Juda na si Ezequias o ng sinumang nasa Juda? Hindi! Sa halip, natakot si Ezequias sa Panginoon at nakiusap siya sa kanya. Kaya hindi itinuloy ng Panginoon ang sinabi niyang kapahamakan laban sa kanila. Kaya kung papatayin nʼyo si Jeremias, kayo na rin ang magdadala ng kaparusahan sa sarili ninyo.”

Jeremiah 26:19 (UKJV) Did Hezekiah king of Judah and all Judah put him at all to death? did he not fear the LORD, and besought the LORD, and the LORD repented him of the evil which he had pronounced against them? Thus might we procure great evil against our souls.

17Pagkatapos, may ilang mga tagapamahala na tumayo sa harap at nagsalita sa mga taong nagtitipon doon,

18“Noong si Ezequias ang hari ng Juda, nagsalita si Micas na taga-Moreset tungkol sa ipinasasabi ng Panginoon sa lahat ng taga-Juda. Sinabi niya, ‘Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo na wawasakin niya ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Itoʼy matutulad sa inararong bukirin, tambakan ng mga nagibang gusali at magiging kagubatan ang bundok na kinatatayuan ng Templo.’

19Pinatay ba siya ng hari ng Juda na si Ezequias o ng sinumang nasa Juda? Hindi! Sa halip, natakot si Ezequias sa Panginoon at nakiusap siya sa kanya. Kaya hindi itinuloy ng Panginoon ang sinabi niyang kapahamakan laban sa kanila. Kaya kung papatayin nʼyo si Jeremias, kayo na rin ang magdadala ng kaparusahan sa sarili ninyo.”

20Nang panahon ding iyon, may isa pang nagsalita tungkol sa ipinasasabi ng Panginoon. Siyaʼy si Urias na anak ni Semaias na taga-Kiriat-jearim. Nagsalita rin siya laban sa lungsod at sa bansang ito katulad ng sinabi ni Jeremias.

21Nang marinig ni Haring Jehoiakim at ng lahat ng pinuno at tagapamahala niya ang sinabi ni Urias, pinagsikapan nilang patayin ito. Ngunit nalaman ito ni Urias, kaya tumakas siya papuntang Ehipto dahil sa takot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.