Jeremias 30

“ ‘Kaya huwag kang matatakot Jacob na aking lingkod, o manlulupaypay man, kayong lahi ni Israel,’ sabi ng Panginoon. ‘Sapagkat tutulungan ko kayo at aalisin mula diyan sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayo nang payapa, tahimik, at walang kinatatakutan.

Jeremiah 30:10 (UKJV) Therefore fear you not, O my servant Jacob, says the LORD; neither be dismayed, O Israel: for, lo, I will save you from far, and your seed from the land of their captivity; and Jacob shall return, and shall be in rest, and be quiet, and none shall make him afraid.

8“ ‘Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabing sa panahong iyon, hindi na sila aalipinin ng mga taga-ibang bansa. Babaliin ko na ang pamatok sa kanilang mga leeg at tatanggalin ko na ang kanilang mga kadena.

9Silaʼy maglilingkod sa akin, ang Panginoon nilang Diyos, at hihirang ako ng kanilang hari mula sa angkan ni David.

10“ ‘Kaya huwag kang matatakot Jacob na aking lingkod, o manlulupaypay man, kayong lahi ni Israel,’ sabi ng Panginoon. ‘Sapagkat tutulungan ko kayo at aalisin mula diyan sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayo nang payapa, tahimik, at walang kinatatakutan.

11Akoʼy kasama ninyo at ililigtas ko kayo,’ sabi ng Panginoon. Lubusan kong wawasakin ang mga bansa kung saan ikinalat ko kayo pero hindi ko ito gagawin sa inyo. Ngunit hindi rin ito nangangahulugang hindi ko kayo parurusahan. Didisiplinahin ko kayo nang nararapat.”

12Sinabi pa ng Panginoon: “Talagang malubha na ang inyong mga sugat at hindi na ito gagaling.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.